Umabot sa 25,000, ang naitalang dumalaw kahapon November 1 dito sa San Juan Cemetery.
Batay ito sa ulat ni Police Captain Victoriano Reyes ang team leader ng PNP nagbabantay dito sa San Juan City.
Binuksan itong San Juan Cemetery kahapon mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hating gabi.
Bagama’t may mga humabol pa kahapon ay naging strikto sila sa pagpapatupad 6 AM hanggang 12 midnight na oras ng pagbisita.
Nakakumpiska naman kahapon, ng ilang pakete ng sigarilyo at ilang box ng posporo sa isinigawang inspeksiyon sa gate pa lamang ng San Juan Cemetery.
Pero ang maganda walang mga patalim, alak, o kahit iligal na droga na mahigpit na ipinagbabawal.
Ngayong araw naman, November 2, inaasahan ng PNP na mas mababa sa 25,000 ang dadalaw dito sa San Juan Cemetery.
Ayon kay Police Captain Reyes, kahapon ang naging peak season.
20,000 ang nakalibing dito sa San Juan Cemetery, ilan sa mga nakalibing kamag-anak ni dating Pangulong Joseph Estrada at ilang mga pumanaw nang alkade ng San Juan.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng bulaklak mula sa ₱100 kahapon, ₱80 pesos na lang, habang ang ₱500 kahapon ₱400 na lang.
Nanatili naman ang presyo ng kandila ₱5 pinakamura, ₱200 ang pinakamahal.
Sa ngayon, may mangilan-ngilan nang dumadalaw.
Nanatili ang mga pulis sa pagbabantay dito hanggang bukas, November 3.