DAGSA NG TAO SA PAMPUBLIKONG SEMENTERYO SA DAGUPAN CITY SA ARAW NG UNDAS, MAAGANG NARANASAN

Maaga pa lamang ay nagsidatingan na ang mga taong bumibisita sa Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City para puntahan muli ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Maaga ring nagbantay ang mga PNP personnels na itinalaga sa naturang sementeryo kung saan ayon sa mga ito, alas sais pa lang ng umaga ay may mga dumating ng mga tao para bumisita.
Nasa higit kumulang dalawampung pnp personnel ang nagbabantay sa sementeryo.

Samantala, may mga bata ring may dala dalang mga gamit sa pagpipintura para pagkakitaan kung sakali mang may mga bumibisitang gustong pakulayan muli ang mga puntod ng kanilang mga yumao.
Sa kasalukuyan ay may ipinatutupad naman ng POSO ang one way traffic sa ilang kakalsadahan sa lungsod para maiwasan ang traffic ay aberya habang siniselebra ang Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments