Bawal na ang mga e-trike sa mga pangunahing kalsada na sakop ng hurisdiksyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, pagmumultahin at posibleng ma-impound ang e-trike kapag nahuling lumalabag sa panuntunang inaprubahan ng Metro Manila Council.
Oobligahin din ang mga driver ng e-trike na magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho.
Una nang nag-convene ang MMDA at ilang ahensya ng pamahalaan sa harap ng pagdami ng electric motor vehicles sa Metro Manila partikular sa major thoroughfares.
Ayon sa MMDA , ang e-vehicle units ay hindi lamang nakakapagpabagal sa daloy ng trapiko, sa halip, nalalagay rin sa panganib ang buhay ng drivers, mga pasahero, at pedestrians.
Facebook Comments