Mga ebidensya na nakalap ng pamahalaan hinggil sa drug war ng Duterte administration, handang i-turn over sa ICC

Handa ang mga ahensya ng pamahalaan na isumite sa International Criminal Court (ICC) at iba pang human rights advocate ang datos kaugnay sa mga naku-kumpiskang iligal na droga sa bansa.

Pahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies na ibahagi ang impormasyong ito sa ICC upang makita ng mga ito kung gaano kalawak ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng kalihim na sa pamamagitan ng hakbang na ito mauunawaan ng ICC kung bakit ganoon na lamang katindi ang ‘war on drugs’ ng administrasyon.


Umaasa ang kalihim na maiintindihan ng ICC ang konekstong ito, sa ginagawa nilang imbestigasyon sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng drug war.

Sila naman aniya ng Department of Justice (DOJ) ay tumutulong upang maipakita na ang domestic institutions ng bansa ay gumagana.

Facebook Comments