Mga edad 40-anyos pataas, uunahin sa pagbabakuna sa A4 priority group

Ipaprayoridad sa COVID-19 immunization program ng gobyerno ang mga edad 40-anyos at pataas na kabilang sa A4 category group.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, mas mataas kasi ang banta ng COVID-19 sa mga matatanda.

Kaya simula sa Hunyo, bibilisan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga nasa A1 hanggang A3 habang pinaghahandaan ang pagbabakuna sa mga economic frontliners.


Kaugnay nito, maglalagay sila ng special lane para sa mga magpapabakunang health workers, senior citizens at people with comorbidities.

Karamihan ng mga bakuna ay ilalaan sa mga high-risk areas gaya ng National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Cebu, Davao at Northern Mindanao.

Sa ngayon, nasa 3,000 na ang vaccination sites sa buong bansa.

Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), hindi bababa sa 35.5 milyong mga manggagawa ang target na mabakunahan matapos na gawing simple ng gobyerno ang A4 priority list.

Facebook Comments