Mga ekonomista ng gobyerno, int’l financial institutions at pribadong sektor, maglulunsad ng kanilang post-SONA Philippine Economic briefing

Magkakaroon rin ng kanilang State of the Nation Address Philippine Economic Briefing ang mga economic Managers.

Gagawin ito bukas sa Philippine International Convention Center (PICC).

Batay sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM), na ang post-SONA Philippine Economic Briefing ay magsisilbing platform sa economic team upang magbigay ng briefing sa mga Pilipino kaugnay sa mga pinakahuling development sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.


Sa pagkakaroon anila nito ay mailalatag ang mga patakaran at programang ipatutupad ng gobyerno sa hinaharap para sa mas masagana, inclusive at matatag na ekonomiya.

Inaasahan ang pagbibigay ng mensahe nina Bangko Sentral Ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. at Finance Secretary Benjamin Diokno.

Magbibigay naman fiscal outlook at macro-economic assumptions ang managing director ng NOMURA holdings at chief economist na si Euben Paracuelles.

Ayon sa DBM, gagawin din ang post-SONA Philippine Economic Briefing sa iba pang bahagi ng bansa tulad sa Davao City, Cebu City, at Laoag City sa susunod na buwan ngayong taon.

Facebook Comments