Operasyon ng mga paliparan sa Bicol Region, nananatiling normal bagamat may ilang kanseladong flights

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nananatiling normal ang operasyon ng mga paliparan sa Bicol Region bagamat kinansela ng Cebu Pacific ang flight nito sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa CAAP, tuloy din ang biyahe ng mga eroplano sa rehiyon kasabay ng paghahanda ng kanilang mga tauhan sa bagyong Egay.

Sa ngayon kasi ay light rains at moderate winds lamang ang nararanasan sa Bicol.


Ang Bicol Region ay may pitong airports kabilang na ang:

  1. Legazpi Airport (BIA)
  2. Naga Airport
  3. Virac Airport
  4. Masbate Airport
  5. Daet Airport
  6. Sorsogon Airport
  7. Bulan Airport

Kinumpirma rin ng CAAP na sa ngayon ay tuloy pa naman ang paglapag ng mga eroplano sa mga paliparan sa Regions 1 at 2.

Facebook Comments