Mga eksperto, hinamon si President-elect Bongbong Marcos na gawing ‘commercially available’ ang bakuna kontra COVID-19 sa unang 100 araw nito bilang pangulo

Hinamon ng mga miyembro ng Advisory Council of Experts si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gawing ‘commercially available’ sa publiko ang mga bakuna kontra COVID-19 sa unang 100 araw nito bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, ito ang unang rekomendasyon na pinagkasunduan ng mga eksperto mula sa pagpupulong ng economic at medical sector kasama si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Sinabi pa ni Leachon na isa sa mga dahilan ng mabagal na pagtuturok ng booster shot sa bansa ay ang kakulangan sa kampanya na hihikayat sa publiko na magpabakuna ng tatlong beses.


Dahil dito, dapat isaalang-alang na ng susunod na administrasyon ang komersyal na paggamit ng mga bakuna upang mapagaan din ang pinansiyal na pasanin ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna.

Matatandaang hinimok din ni Concepcion ang mga gumagawa ng bakuna na mag-apply ng Certificate of Product Registration (CPR) para makabili ng bakuna ang publiko sa mga botika kung sakaling tanggalin ang COVID-19 public health emergency declaration sa bansa.

Facebook Comments