Aminado ang mga eksperto na wala pang katiyakan kung ano ang pakinabang ng pagbibigay ng booster shot laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana ng Technical Advisory Group (TAG) ng Department of Health (DOH), kulang pa ang mga datus ukol sa booster dose na hindi gaya sa mga nakuhang impormasyon sa primary doses ng COVID-19 vaccine.
Aniya, kaya lamang nagkaroon ng booster dose ay dahil sa mga datus na nagpapakitang humihina ang epekto ng naunang bakunang naiturok makalipas ang anim na buwan.
Isa rin aniya ito sa mga rason kung bakit hindi sapilitan ang pagbibigay ng booster shot dahil hindi pa masiguro kung malaki ang pakinabang nito.
Facebook Comments