Mga eksperto, inirekomendang magsagawa ng drill ang mga ospital para sa mga pasyente

Inirekomenda ng mga health expert sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng drill sa mga pagamutan kahit may COVID-19 pandemic.

Ayon kay University Of the Philippines Manila – Disaster Risk Reduction and Management Head Dr. Carlos Gundram, importanteng malaman ng mga ospital kung paano ilikas ang mga pasyente sakaling magkaroon ng sakuna na inoobserbahan pa rin ang mga health protocols.

Kailangan aniyang alamin ng mga ospital kung saan ang evacuation areas sakaling may sakuna upang maiwasan ang anumang pinsala.


Ang apela ni Gundram ay kasunod ng nangyaring sunog sa Philippine General Hospital noong nakaraang linggo.

Facebook Comments