Mga eksperto, nakikipag-ugnayan sa manufacturer ng Sinopharm kaugnay sa tamang brand ng booster shot

Tuloy-tuloy lamang ang ugnayan ng pamahalaan partikular na ang Vaccine Experts Panel sa vaccine manufacturer ng Sinopharm.

Ito ay makaraang aminin ng Department of Health (DOH) na wala pang mga datos na available kaugnay sa kung ano ang maaaring ipareha na booster brand sa primary series ng Sinopharm.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kapag nakakalap na ng sapat na datos ang ating mga eksperto ay agad silang maglalabas ng pahayag.


Maliban kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte, Sinopharm din ang itinurok na bakuna sa ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Una nang sinabi ng Malacañang na ipinayo ng doktor ni Pangulong Duterte ang pagpapatuturok nito ng Sinopharm COVID-19 vaccine bilang booster shot.

Matatandaang unang dose ng Sinopharm vaccine ay natanggap ng pangulo noong May 3, 2021 habang ang ikalawang dose naman ay noong July 12, 2021.

Facebook Comments