Ikatlong round ng “Bayanihan, Bakunahan”, posible kapag humupa na ang nararanasang COVID-19 surge

69

Hinihintay lamang ng pamahalaan na bahagyang humupa ang nararanasang COVID-19 surge sa bansa dahil sa Omicron variant.

Tugon ito ni Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon nang tanungin kung magsasagawa ba ulit ng National Vaccination Days ang pamahalaan sa unang quarter ng 2022.

Ayon sa kalihim, batid nila sa national government na hirap ang mga Local Government Unit (LGU) at mga healthcare worker sa kasalukuyan dahil sa bilang ng COVID cases sa bansa.


Marami na rin kasi aniya sa mga vaccinators ang tinamaan narin ng COVID-19.

Sa oras aniya na humupa na ang surge, asahan na magsasagawa ng ikatlong round ng “Bayanihan, Bakunahan” ang pamahalaan sa buong bansa.

Facebook Comments