Mga eksperto ng Japan, nakipagpulong na sa DENR para sa disaster efforts sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Nagsimula nang magpulong ang Department Environment and Natural Resources (DENR) at ang team ng Japanese government para sa gagawing disaster relief efforts sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Naglatag ng mga rekomendasyon ang mga eksperto mula sa Japan para sa cleanup o pagtanggal ng mga tumagas na langis gayundin sa iba pang ongoing efforts kaugnay sa nangyaring oil spill.

Nakapaglagay naman na ang DENR-EMB Region 4-B, Philippine Coast Guard (PCG) at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga spill booms at absorbent booms sa Calimawawa at Casilagan Rivers at sa mga baybayin ng Barangay Misong sa Pola, Oriental Mindoro upang ma-contain ang oil spill.


Nagpapatuloy rin ang sediment collection at coastal cleanup upang maibsan ang epekto ng oil spill sa marine environment sa munisipalidad ng Pola.

Facebook Comments