Mga eksperto, pag-uusapan kung palalawigin ang travel ban laban sa Indian COVID-19 variant – DOH

Mag-uusap ang Department of Health (DOH) at ng mga eksperto mula sa government pandemic task force para talakayin kung palalawigin ang travel ban mula sa mga bansang may kaso ng B.1.167 variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aalamin nila kung paano nakakapekto sa COVID-19 cases at hospital admissions ang Indian variant.

Para kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, malaki ang implikasyon ng paghihigpit sa mga tao mula sa mental hanggang financial aspect.


Umaasa si Salvana na hindi mahaba ang magiging extension basta napapanatiling mababa ang bilang ng kaso.

Sinabi naman ni Dr. Anna Ong-Lim, masusing pinag-iisipan ng mga eksperto ang magiging rekomendasyon dahil sa magiging epekto ng extended travel ban.

Iginiit naman ni Dr. Marissa Alejandira na dapat tumulong ang mga local government units (LGUs) na makontrol ang pagkalat ng mga bagong variants sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mandatory quarantine period sa mga paparating na pasahero.

Nabatid na nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka na may kaso ng Indian variant.

Facebook Comments