Mga eksperto sa survey, tiwala na mataas ang mga numero ni VP Leni

Tiwala ang isang grupo ng mga eksperto sa matematika, mga IT professionals, statisticians, at mga political analysts na mataas ang nakukuhang mga numero ni Vice President Leni Robredo sa kanilang survey na ang ginamit ay ang pagtext sa mga respondents kung sino ang iboboto nila bilang Pangulo sa darating na May 9 elections.

Ayon sa grupong Shofar Analytics, steady ang pagtaas ni Robredo sa kanilang survey na ginawa mula March 11 hanggang May 1, halos walong linggo na araw araw ang pag-survey.

Tumaas ng 119. 7 percent ang voter preference share ni Robredo. Mula 10 percent nuong Marso ay halos nasa 40 percent na siya nuong May 1.


Samantala, si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, ay nagsimula sa 60 percent nuong Marso, pero ngayon ay nasahalos 50 percent na lang. Bumaba siya ng 7.16 percent.

Ayon sa Shofar Analytics, dahil maliit na lang ang lamangni Marcos kay Robredo, malamang ay magkakaparehosila ng porsyento ng voter preference, o kung sino ang gustong iboto, ilang araw bago ang May 9 elections.

 

Nagpadala ang Shofar Analytics ng 40,000 text messages araw-araw at dalawang daan ang sumasagot kada araw.

Tiwala ang Shofar sa ganitong klaseng pagkuha ng kasagutan dahil mas magsasabi ng totoong sagot ang mga nakakakuha ng text dahil hindi nila kailangan humarap sa mga nagtatanong sa kanila.

Ang Shofar Analytics ay pinangungunahan ni Dr. Felix Muga II ng Ateneo de Manila University.

 

Facebook Comments