Mga INC na tinawag na KakampINC, trending sa social media matapos igiit ang karapatang makaboto ang nasa puso

569

Nag-trending naman ang hashtag #KakampINC.
Ito’y matapos magpahayag ang ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC ng suporta sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Nangyari ito matapos i-endorso ng INC, na kilala sa kanilang bloc voting, sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sara Duterte bilang pambato sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente sa darating na eleksyon.

Bukod sa hashtag na #KakampINC, dalawa pang grupo ang lumitaw gaya ng “Mga titiwalag for Leni at “2.6 million minus one” bunsod ng umano’y pagkadismaya sa desisyon ng INC, na tinatayang mayroong 2.6 million members.


Facebook Comments