Mga eksperto, umapela sa pamahalaan sa panatilihin sa Alert Level 2 ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa

Umapela sa pamahalaan ang ilang eksperto na panatilihing nakasailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Dahil ito sa banta ng COVID-19 Omicron variant na mas mabilis makahawa kumpara sa Delta variant.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, maaari lamang ibaba ang alert status kung makakamit ang sapat na bilang ng mga nabakunahan.


Suportado naman ni Dr. Guido David ng OCTA Research na manatili sa Alert level 2 ang rehiyon upang ma-contain ang posibleng pagpasok ng bagong variant.

Sa ngayon, nakikita ni acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na magiging malaki ang epekto ng Omicron variant sa pagdesisyon kung ibababa pa sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Facebook Comments