Cauayan City- Nasa pangangalaga na ng Cauayan City Treasury Office ang mga election paraphernalia at mga balotang gagamitin sa nalalapit na eleksyon ngayong buwan ng Mayo.
Ito ang ibinahaging impormasyon ng City Treasurer ng lungsod ng Cauayan na si Carlito Andres sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.
Aniya inaasahan pa na makukumpleto ngayong araw ang mga supplies at iba pang mga kagamitan gaya ng mga forms at envelopes na kakaylanganin ng bawat presinto pagsapit ng araw ng halalan.
Kinakaylangan aniya na maihanda at matiyak na kompleto ang mga kagamitan sa 118 na clustered precincts na naitalaga bago sumapit ang araw ng kanilang deployment upang makaiwas sa mga aberya habang May 13 naman ng madaling araw nakatakdang dalhin ang mga election paraphernalia sa bawat presinto.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Treasury Office na nakahanda sila lalo na ang kanilang storage room kung saan maitatago ang mga balota at iba pang mahahalagang election paraphernalia bago at pagkatapos ng eleksyon.