Mga Electric Cooperative sa Region 2, Nagpadala ng Line Workers sa lugar na Nasalanta ng ‘Bagyong Rolly’

Cauayan City, Isabela- Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Isabela Electric Cooperative II (ISELCO II) na tutulong sa pagsasaayos na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly na sakop ng Marinduque Electric Cooperative, Inc. (MARELCO).

Ayon kay General Manager David Solomon Siquian, binubuo ng dalawang grupo ang ipinadalang line workers ng tanggapan na tutugon sa pagpapanumbalik ng kuryente.

Tinatayang nasa halos 80 personnel mula sa CAGELCO 1, CAGELCO 2, ISELCO 1, ISELCO 2, NUVELCO, QUIRELCO at KAELCO ang kasalukuyang nagsasaayos ng mga napinsalang poste na dahilan ng kawalan ng suplay ng kuryente.


Tumulong rin ang ilang grupo na kumakatawan sa kongreso gaya ng APEC Party-list, RECOBODA, AKO PADAYON, at PHILRECA.

Samantala, walang gagawing ‘NO DISCONNECTION’ sa mga hindi pa nakakapagbayad ng electric bill subalit ilan sa basehan ang konsumo sa kuryente na 40 killowat-hour pababa lamang at magtatagal ito hanggang katapusan ng Disyembre 2020.

Facebook Comments