Inialok ngayon ng mga electric cooperatives ang kanilang mga pasilidad para sa gagawing COVID-19 mass vaccination.
Layon ng Association of Philippine Electric Cooperatives na makatulong sa pambansang pamahalaan at sa mga Local Government Unit (LGU) na maayos na makapag-roll out ng kanilang COVID-19 vaccination plans.
Nagpahayag na ng kahadandaan ang aabot sa 121 na electric cooperatives sa buong bansa na ipagamit ang malawak na espasyo ng kanilang mga gymnasium at multi-purpose hall para sa COVID-19 vaccine roll out.
Nauna na ring naglunsad ang APEC ng ‘Pantawid Liwanag’ program bilang ayuda sa kanilang mga lifeline member-consumer-owners.
Nasa tatlong milyong power consumers sa mga rural and remote communities ang nagbenepisyo sa naturang ayuda.