EASTMINCOM Commander Lt. Gen. Jose Faustino, itinalagang acting Commanding General ng Philippine Army

90

Itinalagang Acting Commanding General ng Philippine Army si Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Jose Faustino.

Ito ang kinumpirma ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana.


Aniya, itinalaga lamang acting si Faustino dahil less than a year na lamang ay magreretiro na siya sa serbisyo.

Paliwanag ni Sobejana, nakasaad sa batas na dapat ay more than a year ang itinatalagang Commanding General ng Philippines Army.

Si Lt. Gen. Faustino, ayon kay Sobejana ay may mataas na level ng expertise sa peace and security efforts.

Siya ay nagsilbi bilang pinuno ng Eastern Mindanao Command mula Enero 23 ng nagdaang taon.




Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal Class of 1988”.

Samantala, magpupulong pa sila Sobejana kasama ang mga matatas na opisyal ng AFP para naman sa pagtatalaga ng bagong EASTMINCOM commander.

Facebook Comments