Mga empleyado ng BOC, inutusang hulihin ang mga nag-iikot at nangongolekta ng ‘tara’

Manila, Philippines – Tiniyak ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na wala ng ‘tara’ sa kanyang Administrasyon.

Ayon kay Lapeña magpapalabas na siya ng isang mahigpit na direktiba na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal na mangongolekta ng tara lalo na ang paggamit ng kanyang pangalan dahil maniningil lamang sila alinsunod sa isinasaad ng batas at tamang pangongolekta.

Binigyan din ng kapangyarihan ni Lapeña ang mga empleyado na manghuli o mang-arresto sa ilalim ng citizen’s arrest at bibigyan sila ng pabuya kapag nakapanghuli ng mga nangongolekta ng Tara.


Hinimok din ng bagong upong Commissioner ang mga Stakeholder at Importers na suportahan ang kanyang kampanya laban sa katiwalian dahil mahigpit nilang ipatutupad ang mga lehitimong proseso at transaksyon sa loob ng BOC.

Umapila rin si Lapeña sa mga empleyado at opisyal ng ahensiya na huwag hayaang mamayani ang kabulukan sa Bureau at suportahan ang kanyang kampanya laban sa korapsyon dahil hindi umano nito kayang gawin ng mag-isa ng walang suporta sa kanila at naniniwala siyang maraming mga mabubuting kawani nanatili sa ahensiya.

Facebook Comments