Mga empleyado ng BOC, pumalag sa pahayag ni Buhay PL Rep. Lito Atienza na pag-aaksaya lang ng pondo kung hindi malinis ang ahensiya

Manila, Philippines – Umalma ang Bureau of Customs Employees Association sa naging pahayag ni Buhay PL Rep. Lito Atienza na pag-aaksaya lamang ng pondo ang gobyerno at balewala lamang umano ang karagdagang mga empleyado kung hindi malilinis ang BOC.

Ang pahayag ay ginawa ng BOCEA President Remedios Prinsesa matapos planong ipababasura ni Atienza sa Kamara ang kahilingan na 4.2 Billion pesos ng ahensiya.

Plano kasi ng BOC na punuan ang tatlong libong bakanteng posisyon ng ahensya at ang 4.2 billion pesos ay para sana ipinagtustos sa mga bagong empleyado na kukunin sa 2018 National budget.


Paliwanag ni Prinsesa, hindi sila binibigyan ng pagkakataon ng mga kongresista na patunayan na mali ang kanilang mga akusasyon sa mga empleyado ng ahensiya.

Kinontra naman ng mga empleyado na BOC at mali umano ang pananaw ni Atienza na hindi kakayanin ng bagong Customs Commissioner Isidro Lapeña na patinuin ang ahensiya dahil hindi umano matatawaran ang track records ng out going PDEA Director General.

Mariin namang itinanggi nito na ang mga opisyal at empleyado ng BOC ay gustong manatili sa bulok na sistema dahil dito sila kumikita.

Katunayan aniya ay mayroon lamang silang 2,700 na kawani at mahigit 6 libong ang nakalagay sa Civil Service, at sa buong Asya umano ay pinakamaliit ang BOC kaya’t kailangan nilang mag-upgrade ng mga machine.

Facebook Comments