Tulong ni Pangulong Duterte sa pamilya ni Kian, gimmick lang – ayon kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, malinaw na damage control measure at gimmick lang ang pakikipag-usap at pagbibigay ng tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian Loyd Delos Santos.

Binatikos din ni Trillanes ang pagpapakuha ng larawan ni Pangulong Duterte sa mga magulang ni Kian habang sila ay nakafist gesture o nakasara ang kamao.

Dismayado si Trillanes na nagluluksa na nga ang mga magulang ni Kian ay gagamitin pa ang mga ito ng Pangulo.


Okay lang para kay Trillanes na tanggapin ng pamilya ni Kian ang tulong na ipagkakaloob ng Pangulo.
Gayunpaman, umaasa si Trillanes na malinaw sa mga ito na kaya nasawi si Kian ay dahil sa polisiya ng pagpatay ni President Duterte kaugnay sa ikinasa nitong giyera kontra ilegal na droga.

Facebook Comments