Cauayan City, Isabela- Humihingi ng pang-unawa sa publiko ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ngayong nakapagtala ng maraming kaso ng positibo sa COVID-19 ang City hall ng Cauayan.
Ayon kay Ginoong Ronald Viloria, CDRRM Officer, ilan kasi aniya sa mga kawani ng Rescue 922 at CDRRMO ay pinapakitaan ng diksriminasyon na hindi naman aniya karapat-dapat.
Ilan kasi aniya sa mga empleyado ay hindi na hinihintuan ng mga dumadaang pampasaherong traysikel.
Kanyang hiniling na huwag sanang pandirihan ang mga staff ng CDRRMO at Rescue 922 lalo na kung may rescue operation.
Imbes aniya na idiscriminate ang mga nagpositibo ay ipagdasal na lamang ang mga ito na gumaling at pakitaan din ng suporta.
Nilinaw naman ni Ginoong Viloria na walang taga Rescue 922 at CDRRMO ang nagpositibo sa COVID-19.