Mga empleyado ng DOTr, isinailalim sa drug test

Nagpatupad ng mandatory drug testing ang Department of Transportation o DOTr sa kanilang daan-daang mga empleyado.

Bago ang drug test, sumalang muna sa isang araw na orientation seminar hinggil sa drug free workplace ang mga empleyado ng DOTr sa kanilang central office sa Clark, Pampanga.

Sa isinagawang drug test, 809 na mga empleyado ang sinuri at tatlo sa kanila ang nagpositibo.


Ang mga nagpositibong empleyado ay sasailalim pa sa confirmatory test para maberipika ang inisyal na resulta.

Sabi naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade, magpapatupad sila ng zero tolerance sa sinumang tauhan na malalamang sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments