Search and retrieval operations sa gumuhong Chuzon Supermarket, ipinagpatuloy

Ipinagpatuloy muli ang search and retrieval operations sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Pampanga Provincial Police na clearing operations na lamang ang ginagawa dahil wala ng senyales ng buhay at wala nang makitang bangkay.

Pero ayon sa rescue teams, may ibinigay na listahan ang lokal na pamahalaan na may lima pang nawawala at hindi pa tiyak kung sila ay kabilang sa mga natabunan ng gumuhong supermarket.


Ayon kay Senior Superintendent Samuel Tadeo ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Region 3, unti-unti ang ginagawang pagbaklas upang makapaniguradong may makita pang tao.

Batay sa kanilang accounting ng Office of Civil Defense – Region 3, kumpleto na ang empleyado at guards at kasalukuyang tinatrabaho ang mga sinasabing sibilyang biktima.

 

Facebook Comments