Mga empleyado ng gobyerno, dapat manatiling tapat sa konstitusyon ayon sa Task Force Balik Loob

38

Panawagan ngayon ni Task Force Balik-loob Chair Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu sa mga empleyado ng pamahalaan na manatiling tapat sa konstitusyon at pangalagaan ang demokrasya ng bansa.

Ito ay matapos ibunyag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na na-infiltrate na ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang gobyerno.


Sinabi ni Mapagu na ang pagbubunyag ng NICA ay kinumpirma rin ng mga pahayag ng mga nagbalik loob na dating miyembro ng CPP-NPA.

Batay sa ibinulgar ni Monteagudo, front organization raw ng CPP-NPA ang grupong “Courage” na samahan ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sinabi ni Mapagu na nakikiisa ang TF-Balik loob sa National Task Force – to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagkondena sa paggamit ng CPP-NPA sa mga empleyado ng pamahalaan para isulong ang kanilang agenda na pabagsakin ang gobyerno.

Facebook Comments