Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Kamara na mabibigyan ng 13th month pay ang mga empleyado ng Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Nakahanda ang ahensya na tulungan ang mga maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19 pandemic para mabigyan ng 13th month pay ang mga empleyado ngayong Pasko.
Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, mayroong pondo ang DTI-SB Corporation para sa loan o pautang sa mga negosyo upang mabigyan ng 13th month pay ang kanilang mga empleyado.
Katuwang aniya nila ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagtukoy sa bilang ng workforce ng naturang mga negosyo.
Samantala, sa kabila ng pandemya ay tumaas naman ang bilang ng mga negosyong nagparehistro sa bansa.
Mula sa 1.7 million registered business noong nakaraang taon, umangat ito sa 2 million ngayon 2021 kung saan karamihan ay mga maliliit na negosyo na walang sariling puwesto sa anumang establisyimento.