Mga empleyado ng nasunog na Star City, pagkakalooban ng tulong-pinansyal ng DOLE

Magpapalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P5.5 million na emergency employment assistance sa limang daang mga empleyado ng nasunog na Star City sa Pasay City.

Ang naturang tulong-pinansyal ay sa ilalim ng TUPAD Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na ibibigay sa naturang mga empleyado sa loob ng dalawang buwan.

Bukod dito, magsasagawa rin ang Public Employment Service Office (PESO) ng Pasay City, ng profiling at assessment sa displaced workers para sa pagkakaloob sa kanila ng alternatibong trabaho.


Ang 500 empleyado ng Pasay City ay  nasa ‘no work, no pay’ situation sa ngayon.

Facebook Comments