Mga empleyado ng NHA, mahigpit ang pagbabantay sa mga pabahay ng gobyerno

73
Manila, Philippines – Inatasan na ng pamunuan NHA ang iba pa nilang mga empleyado na magsagawa ng karagdagang pagbabantay sa mga Housing Units ng pamahalaan dahil may mga banta pa rin umano na posibleng pasukin din ng mga militanteng miyembro ng Kadamay ang mga pabahay ng gobyerno.
 
Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada mahigpit ang ipinalabas niyang kautusan na tutukan ang lahat ng mga Housing Units ng pamahalaan dahil sa impormasyon na natatanggap nila na susugurin umano ng mga kasapi ng Kadamay ang mga pabahay ng gobyerno.
 
Una ng kinansela ng NHA ang pagpatupad ng Eviction Notice ngayong araw matapos mapagkasunduan ng dalawang kampo na huwag munang papaalisin ang mga kasapi ng Kadamay sa Pandi Bulacan
 
Tinitingnan din ng NHA sa kanilang mga Data Base Record kung sinu sino ang mga interesado mga mahihirap na gustong mag avail na ituloy ang pabahay ng gobyerno.
 

Facebook Comments