Isang tricycle driver, pinagbabaril sa Caloocan City

95
Manila, Philippines – Patay ang isang tricycle driver  matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa North Caloocan.
 
Kinilala ang biktima na si Virgilio Alapag 40 anyos residente sa Brgy. 176 Bagong Silang Caloocan City.
 
Ayon sa  imbestigasyon ng pulisya kagabing pasado alas nueve ay nakatambay lamang sa may Phase 9 Package 4 Brgy. 176 Bagong Silang Caloocan City  ang biktima ng dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Bumunot ng baril ang angkas at walang kabog-abog na  pinagbabaril ang biktima na dahilan sa agarang ikinamatay nito.
 
Napag-alaman pa na dati ng nasangkot  sa ilegal na droga ang suspek at inaalam pa ng pulisya  kung may kaugnayan dito ang nangyaring pagpaslang sa biktima.
 
Inaalam din ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.


Facebook Comments