Mga empleyado ng PPA, hindi papayagan mag-leave of absence sa Semana Santa

Inanunsyo ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi nila papayagan na mag-leave of absence ang lahat ng kanilang empleyado sa darating na Semana Santa.

Ayon kay PPA General Manager Atty. Jay Santiago, inaasahan na nila na dadagsa ang mga pasahero sa mga pier para samantalahin ang pagbabakasyon kaya’t kinakailangan nila ang lahat ng kanilang tauhan sa operasyon.

Aniya, isasailalim sa heightened alert status ang PPA bilang parte ng Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation (DOTr).


Kaugnay nito, nais ni Santiago na handa ang PPA para gabayan at tulungan ang mga pasahero na magtutungo sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.

Mag-iikot rin si Santiago sa lahat ng pier para mag-inspeksyon bago ang Semana Santa para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at turista daratinga peak season.

Facebook Comments