MGA EMPLEYADO NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN, BAWAL ANG NAKASIMANGOT

“BAWAL ANG NAKASIMANGOT”
Isa ito sa mga kautusan ni Pangasinan Governor Ramon ‘Mon-Mon’Guico III sa mga kawani ng provincial government.
Sa naging mensahe ng gobernador sa Inaugural session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon, kabilang ito sa kaniyang modelong “TEAM C” sa pamamahala ng kaniyang administrasyon.

Ang TEAM C ay nanganguhulugan ng Transparency, Effectiveness/Efficiency, Accountability, Motivated Workforce at Convergence.
Ayon kay Guico, Sa ilalim ng Motivated Workforce kailangan ng service with a heart at service with smile.
Binigyang diin ni Guico na dapat masaya at bawal ang nakasimangot lalo sa pagbibigay serbisyo sa mga Pangasinense.
Hiningi ni Guico ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan upang maisakatuparan ang kaniyang mga adhikain para sa probinsya.
Ibinahagi din nito na nakipag pulong siya sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD at PHILHEALTH upang matugunan ang mga suliranin ng probinsiya. | ifmnews
Facebook Comments