Pangamba ng mga magulang na gawing mandatory sa mga bata ang pagbabakuna para makabalik sa paaralan, pinawi ng DOH; mga paaralan, lalagyan ng vaccination site.

276

Hindi sapilitan sa mga bata ang pagbabakuna kontra COVID-19 para makabalik sa paaralan.

Ito ang binigyang-diin ng Department of Health kasunod ng nakatakdang face-to-face classes sa mga paaralan sa buong bansa sa August.

Sa interview ng RMN Manila, pinawi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pangamba ng mga magulang at nilinaw na hindi magiging kondisyon ang pagbabakuna sa mga bata para makabalik ang mga ito sa paaralan.


Batay sa datos ng DOH, nasa 3.7 million o 34% pa lang ng 5-11 years old ang nakatanggap ng primary series habang nasa 107% naman para sa age group na 12-17 years old.

Bunsod nito, maglatatag ang DOH ng vaccination site sa mga paaralan upang mailapit sa mga bata.

Inirekomenda na rin ng DOH sa Department of Education na maging mandatory ang pagbabakuna sa mga guro lalo na’t sila ang nakakasalamuha ng mga bata.



Facebook Comments