Nagpapasaklolo na sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagpo-protestang bus drivers ng ALPS Bus, Inc
Nagbarikada kahapon ang naturang mga empleyado sa terminal ng ALPS Bus, Inc. sa EDSA Cubao, Quezon City upang ipanawagan ang kanilang mga hinaing katulad ng mababang sweldo, walang 13th month, overtime pay at illegal deduction.
Ayon sa empleyadong si Leonel Viñas, bunsod ng kanilang protesta, tinanggalan sila ng biyahe sa halip na tugunan ang kanilang mga hinaing.
Hindi rin nila nagustuhan ang regulasyon ng bus company na kapag kulang ang driver ay saka lang sila maakakabyahe.
May mga insidente rin na tinanggalan ng piyesa ‘yong mga bus para hindi makabyahe.
Umaapela na sa DOLE na madaliin ang pagresolba sa kanilang hinaing upang mabigyan sila ng katarungan sa umano’y pang-aabuso ng ALPS Bus Company.
Tumatanggi naman ang management humarap upang ipaliwanag ang kanilang panig.