Mga empleyado, obligado nang magsuot ng face shield simula sa August 15

171

Simula sa Sabado, Agosto 15 ay obligado na ang mga empleyado na magsuot ng face shield sa workplace bukod pa sa face mask.


Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, layon nito ang kaligtasan ng mga empleyado habang nasa trabaho.

Aniya, dapat sagot ng mga employers ang face shield para sa kanilang mga manggagawa.

Ang mga kompanya na hindi susunod ay mahaharap sa parusa o administrative penalties.

Matatandaang sa memorandum circular no. 2020-014, pinare-require rin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pasahero na magsuot ng face shields sa pampublikong transportasyon, simula rin sa Agosto 15.

Facebook Comments