Menor de edad, 13 beses umanong ginahasa ng sariling ama

8717

Arestado ang isang 48-anyos na taxi driver sa Baguio City matapos umanong makailang ulit na gahasain ang menor de edad na anak.

Ayon sa lola ng biktima na nagsumbong sa pulisya nitong Martes, kamakailan lang daw naglakas-loob ang apo na isiwalat ang ginagawa ng ama.


Nabatid na nagsimula ang pang-aabuso ng suspek noong Setyembre 2019 hanggang nitong Hulyo.

Sinabi ng dalagita na halos 13 beses siyang ginahasa ng suspek na itinataon nito tuwing walang kasama sa bahay.

Wala rin sa bahay ang ina ng biktima dahil nagtatrabaho umano sa ibang bansa.

Inihahanda na ang kasong rape laban sa suspek, habang nasa kostudiya rin ng awtoridad ang menor de edad.




Facebook Comments