Nagpaalala si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga empleyadong pumapasok tuwing may bagyo ay may karapatang tumanggap ng buong sahod.
Ito ay sa kondisyon na nakapagtrabaho sila nang hindi bababa sa anim na oras.
Habang ang mga nagtrabaho naman ng mababa sa anim na oras ay dapat pa ring mabayaran ng “proportionate amount” ng kanilang regular na sahod.
Ang mga employer naman aniya ay dapat magbigay ng dagdag na insentibo sa mga empleyadong pumapasok kahit na may kalamidad.
Facebook Comments