Korte, nagtakda na ng petsa ng pagbasa ng sakdal sa viral SUV driver na sumagasa sa mall security guard

697

Nagtakda ang korte sa Mandaluyong City ng panibagong petsa ng pagbasa ng sakdal sa viral SUV driver na sumagasa sa mall security guard.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, unang itinakda ang arraignment sa akusado na si Jose Antonio Sanvicente noong Agosto 24, Miyerkules.

Pero ito ay ipinagpaliban bunsod ng work suspension dahil sa bagyo.


Dahil dito, ini-reset ang pagbasa ng sakdal kay Sanvicente sa Setyembre 7 dakong ala-1:30 ng hapon kung saan siya ay sinampahan ng frustrated homicide.

Facebook Comments