Mga employer na mapapatunayang nag-abandona sa OFWs na tinamaan ng COVID sa Hong Kong, pinapa-blacklist ng isang senador

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa gobyerno na ilagay sa blacklist ang mga employer na mapapatunayang umabandona sa kanilang Pilipinong kasambahay na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Hontiveros, maari ding magsampa ng mga kaso laban sa mga nabanggit na mga employer.

Mungkahi pa ni Hontiveros, dapat huwag na silang payagan na makakuha muli ng manggagawang Pilipino.


Umaasa si Hontiveros na maililigtas kaagad ng ating konsulado ang Overseas Filipino Workers mula Hong Kong at mabibigyan sila ng agarang serbisyong medikal kung kinakailangan.

Facebook Comments