Siyamnapu’t siyam bago ang Pasko, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa mga employer sa Ilocos Region ukol sa umiiral na batas kaugnay sa pagbibigay ng 13 month pay.
Ayon kay DOLE RO1 Regional Director Atty. Evelyn Ramos, ito umano ay isa sa mga benepisyo ng mga manggagawa sa Pribadong sektor mapa regular o contractual.
Alinsunod umano ito sa Presidential Decree 851 ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga empleyado.
Samantala sa darating na December 1 ngayong taon, ipapatupad ang second tranche ng dagdag sahod sa rehiyon.
400 pesos ang minimum ang arawang sahod para sa mga non-agriculture companies na may 30 empleyado, 370 pesos para sa 10-29 empleyado at 342 sa mga may empleyadong nasa 1-9. | ifmnews
Facebook Comments