Kidnap victim sa Basilan, nasagip ng PNP

43

Na-rescue ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang kidnap victim sa Al-Barka, Basilan nitong Huwebes.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nangyari ang insidente noong Miyerkules kung saan sapilitang dinukot ang biktima sa kanyang tahanan sa Barangay Bohe Piang, Al-Barka, Basilan.

Sinabi pa nito na dahil sa collaborative efforts ng tracker team na binubuo ng Ungkaya Pukan Municipal Police Station, Tipo-Tipo Municipal Police Station, 64th IB ay nasagip ang biktima.


Ani Azurin, maituturing itong isang major accomplishment lalo na ngayong may napapaulat na mga insidente ng kidnapping sa bansa.

Makakaasa aniya ang publiko na gagawin ng Pambansang Pulisya ang lahat upang maitaguyod ang kaligtasan at kapayapaan sa bansa.

Samantala, dumadaan na sa ngayon sa physical examination at debriefing procedure ang naturang kidnap victim.



Facebook Comments