Mga envoy ng US, Japan, South Korea, at India, bumisita kay presumptive President Bongbong Marcos Jr.

Magkakasunod na nag-courtesy call kay presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang mga diplomats mula sa bansang Amerika, Japan, South Korea at India sa Headquarters nito sa Mandaluyong City.

Unang bumisita kay Marcos si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa kasunod si South Korean Ambassador Kim Inchul.

Nagbigay -pugay rin kay Marcos si Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran at si US Chargé d’Affaires Heather Variava.


Sa pakikipagpulong kay Marcos, tiniyak ng mga envoy ang pagpapalakas sa ugnayan sa trade and diplomacy ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas, gayundin ang iisang layunin sa pagsusulong ng matatag na demokrasya, self-determination at economic recovery.

Tiniyak aniya ng apat na diplomat ang kahandaan nilang magbigay ng tulong sa Pilipinas, partikular sa mga programa may kaugnayan sa pagbangon ng ekonomiya na pinalugmok ng pandemya.

Nauna nang nagpahayag ng suporta at pagbati sa paparating na Marcos administration ang mga lider ng bansang US, China, Russia, Japan, South Korea at mga pinuno ng European Union.

Facebook Comments