Mga epalitikong nanamantala sa Traslacion, binanatan!

Manila, Philippines – Bukod sa basura, pinunan din ng Ecowaste Coalition ang mga kandidato sa 2019 elections na sinamantala ang traslacion kahapon at nagpa-epal.

Ayon sa grupo, may mga nakita silang tarpaulin ng mga epalitiko na nakasabit pa sa mga prayer stations sa ruta ng Traslacion.

May mga tarpaulin na nakasabit din sa kawad ng kuryente, puno, streetlights at maging ang quezon building sa Quiapo Manila ay di rin pinalampas ng mga epalitiko.


Giit ng Ecowaste, lantaran na ang premature campaigning ng mga ito.

Kaya naman panawagan ng grupo sa mga botante, huwag iboto ang mga epalitiko na binahiran ng pulitika ang Traslacion.

Facebook Comments