Mga naasistihan ng PRC sa kasagsagan ng Traslacion, pumalo sa mahigit 1,600 indibiduwal

Manila, Philippines – Umabot sa 1,613 ang mga deboto ang naasistihan ng Philippine Red Cross sa kasagsagan ng Traslacion ng poong itim na nazareno.

Batay sa datos ng Philippine Red Cross, 747 ang nagpa-monitor ng kanilang blood pressure habang nasa 603 ang nagtamo ng minor injuries tulad ng nahirapang huminga, nahilo, hinimatay, nagkapasa, dumugo ang ilong, at nabalian.

Mayroon namang 62 na major cases at apat sa kanila ang isinugod sa ospital.


Mayroon ding 197 na indibidwal ang kinailangang bigyan ng psychosocial support ng red cross.

Nasa labing dalawang first aid stations at isang emergency medical unit na may isang libong tauhan at volunteers ang inilagay ng red cross sa traslacion ng itim na nazareno.

Facebook Comments