Mga equipment ng Philippine Navy na ginamit sa capability demonstration ng barko ng Philippine Navy sa WPS, makatutulong sa warfare ng Pilipinas – PBBM

Malaki ang maitutulong ng mga bagong equipment ng Philippine Navy para mas mapalakas ang pang depensa ng Pilipinas upang maprotektahan ang bansa sa anumang iligal na aktibidad sa karagatan at anumang conflict.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginanap na programa patungkol sa capability demonstration ng Philippine Navy sa BRP Davao del Sur sa San Antonio, Zambales na bahagi rin ng West Philippine Sea, muling tiniyak ng pangulo na nakasuporta ang kaniyang administrasyon sa pagpapalakas ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Partikular na tinukoy ang ginawang surface to Air Missile firing na bahagi ng capability demonstration ng Philippine Navy sa San Antonio, Zambales gamit ang BRP Davao del Sur.


Sa pamamagitan aniya nito’y mas magiging epektibo ang pagtupad ng mga sundalo sa kanilang mga tungkulin at mapangalagaan ang national interest.

Samantala, ang live demonstration sa Zambales ay pinanood mismo ni Pangulong Marcos.

Naisagawa ng BRP Jose Rizal ang Bullfighter Chaf Decoy, at C Flash Dipping Sonar.

Ang ginawa ng BRP Jose Rizal ay test firing gamit ang bullfighter.

Ang bull fighter ay 130 mm super raid blooming off board counter measure.

Habang ang C Flash Dipping Sonar ay ginamitan ng Philippine Navy ng helicopter para kunwari ay magla-launch ito ng blue shark lightweight torperdo sa dagat.

Hindi naman natuloy ang mistral 3 surface to air missile na gagawin sana ng BRP Antonio Luna dahil nawalan ng signal ang mock target na drone.

Ang pangulo ay sumakay mismo ng barkong BRP Davao del Sur para masaksihan ang capability demonstration na ito ng Philippine Navy sa karagatan ng San Antonio, Zambales na bahagi ng West Philippine Sea.

Facebook Comments