3 Indian terrorists na naaresto sa Iloilo City, naipa-deport na pabalik ng India

Naipa-deport na sa India ang tatlong Indian terrorists na unang naaresto sa Iloilo City.

Ang mga naarestong terorista ay mga miyembro ng Indian Khalistan Tigers, isang Sikh extremist militant group na nagmula sa India.

Nagtangka pang tumakas ang isa sa mga terorista subalit agad itong nakorner ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 departure area.


Kinilala ang mga pina-deport na Indian terrorists na sina Manpreet Singh, 23; Amritpal Singh, 24 at Arshdeep Singh, 26.

Sila ay sinamahan sa flight ng 2 immigration agents, tauhan ng NICA o National Intelligence Coordinating Agency at police attache’ mula sa Indian embassy.

Facebook Comments