Makikipagkita sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard ang mga eksperto at coast guards mula sa iba’t ibang bansa ngayong araw.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, ito ay para pag-usapan kung paano mapapabilis ang oil spill clean-up sa Oriental Mindoro na kumalat na sa mga kalakip lalawigan.
Sa ulat ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa Malacañang marami pa ang nagpiprisintang bansa ang gustong tumulong sa Pilipinas.
Aniya, nitong Byernes ay dumating na sa bansa ang team mula sa Japan at agad nang nakipagpulong sa mga opisyal ng PCG at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Giit ng PCG Chief, mahalagang ma brief muna ang anumang teams o experts mula sa ibang bansa patungkol sa scientific approach na kanilang gagawin dahil sa oil spill.
Kailangan din aniyang magkaroon ng koordinasyon sa incident command post ng coast guard ang mga experts at team mula sa ibang bansa para sa tamang deployment.