Mga eskwelahan sa Maynila may pasok ayon sa Manila Public Information Office

82

Nilinaw ng Manila Public Information Office na may pasok sa mga eskwelahan ngayong araw ng Huwebes, July 18.

Ito ay kasunod ng isa na namang “Fake News” na kumalat sa Social Media.


Ayon kay Manila City Hall PIO Chief Julius Leonen ang maling impormasyon ay mula sa isang Unofficial Facebook Page na gumagamit ng pangalan ni Mayor Isko Moreno.

Paliwanag ni Leonen, ang opisyal na anunsyo hinggil sa #WalangPasok ay manggagaling sa official Facebook page ng alkalde na Isko Moreno Domagoso, maging sa Manila Public Information Office page.

Dagdag pa ni Leonen as of 6:09 kaninang umaga ay walang anunsyo si Mayor Isko Moreno na walang pasok sa mga eskwelahan sa Manila kung saan sa mga oras na ito, ambon na lamang ang nararanasan sa Lungsod ng Maynila, partikular sa bahagi ng Bonifacio Shrine sa Lawton at UN Avenue.

Facebook Comments

From Advertisers